Lumpia at chardonnay o laing at rosé?
Alamin kung paano matutukoy ang perfect match ng mga paboritong Filipino food at Australian wine.
HIGHLIGHTS
Australia ang ika-lima sa pinaka malaking exporter ng wine sa mundo. May higit 160 na klase ng ubas sa Australia na nakatanim sa malalawak na rehiyon sa mga estado.
Isang Filipino-Australian sommelier ang nakapagtayo na ng sariling wine company sa New South Wales na naghahatid ng mga Australian Wine sa Pilipinas at mga inuming may Pinoy flavors pabalik sa Australia.
Noong ika-15 ng Oktubre, sa pakikipagtulungan ng Filipino Food Movement Australia, isinagawa nila ang pagpapares ng mga paboritong pagkaing pinoy tulad ng sinigang na hipon, laing, lumpia at daing na bangus sa iba’t ibang klaseng wine.